juankaloymilan

live life to the fullest

Tuesday, November 2, 2010

THE DRAGONS do it again!




The Camarines Norte State College Laboratory High School
Drum and Lyre Corps bagged the P50,000.00 GRAND CHAMPION PRIZE
in the 2010 PARADA BICOLANDIA
held at Legazpi City last October 23, 2010








Wednesday, July 7, 2010

UNTITLED... See.. Hear.. Experience.. models...

UNTITLED.. See.. Hear... Experience...
December 29, 2004

Tuesday, July 6, 2010

paglisan


naisin ko mang umalis ngunit natatakot ako na may maiwan.... bakit kaya ganito ang pakiramdam ko. kung pwede lang sana na huwag umalis. pero para sakin din ito. maraming SANA sa isipan ko.

ang hirap ng ganitong nararamdaman.. madami ng umalis marami na din dumating...
may mga naiiwan may mga nangiiwan.. ganun talaga siguro dito sa mundo..
kung ako kaya ang mawala...

paano na sila? ganyang mga tanong.. nakakainip.. nakakapagod.. ang alin?
anu daw? hindi ko din alam ang mga sagot.. ikaw kaya? siya kaya? ewan ang mga sagot!!!

paalam... hindi ko alam kung papunta saan.. basta.. paalam na!!!

Teatro SALAMIN (Sayaw, Arte, Literatura, Arkitektura, Musika at Interpretasyong Nilikha)

teatro SALAMIN...
(Sayaw, Arte, Literatura, Arkitektura, Musika at Interpretasyong Nilikha)
dito nabuhay at nagising ang kaisipang sa pagsusulat at sa pagarte

Monday, July 5, 2010

The 8th YES Camp Speech Choir Champion held in Baguio City


Camarines Norte State College Laboratory High School Speech Choir

TROPANG DILIM

Wilfredo de Leon, Jr.. aka Pidoy...


John Carlo M. Peraz aka jc

Nico Rainier Apuya aka apujukay


Ronel Ilagan aka Kalag

Ian Abarca aka dadiyow!

Jonel David aka pangit

Jerome M. Villegas aka chip tanod






TROPANG DILIM... may mga pagkukulang man nabubuo pa rin..



sa baguio city...

Monday, February 22, 2010

mahirap

parating akong may tanong sa isip ko na naghahanap ng kasagutan...

ok ba akong maging kaibigan? sa tagal ng panahon ng aking pananatili dito sa mundo (sa loob ng dalawampu't anim na taon).. marami na akong nakilalang tao, nakasalamuha at mga naging kaibigan..

tama siguro yung salitang NAGING kaibigan... parte ng buhay.. hindi ko alam kung nasaan na ang karamihan sa kanila... masakit mang isipin may mga lumalayo at umaalis.. hindi mo sila pag-aari.. maaring mabigyan mo sila ng pabor pero minsan nararamdaman ko hanggang doon lang.. mahirap maghintay sa wala... gusto kong buksan ang aking isipan na ganun talaga ang buhay.. para sa akin dalawa lang ang uri ng tao, mga nangiiwan at mga naiiwan..

masakit man daw akong magsalita pero ako ito.. kung anung nakikta ko ay sinasabi ko... hindi ako natatakot na magsabi ng aking nakikita at nararamdaman dahil alam ko sa sarili ko na TAMA ako.. hindi ba?

mahirap labanan ang mga nasa aking kaisipan at kalooban.. pagnagsalita ako, minsan maraming nasasaktan.. may lumalayo at meron nagtitiis.. pero tinatanung ko sila kung anung ayaw nyo sakin?wala naman sumasagot.. nahihiya ba sila o sadyang takot lang magsalita...

ang gusto ko kasi ay sinasabi din sakin kung anung ayaw mo...

hindi kok ipagpipilitan ang aking sarili sa isang tao o bagay na hindi naman komportable na kasama ako...

para sakin hindi mo kailangan iplease lahat ng tao... bakit mo sila kailangan iplease..kung anu ka tanggapin ka dapat nila...


simula....

matagal ko nang ginawa ang blogsite na ito.. pero nagkarooon ako ng interes na buhayin itong muli upang mabgyan ng kabuluhan at saysay ang mga nasa isipan ko na nais maisiwalat...

hindi madali ang aking mga gagawin.. gusto ko malaman ng lahat na makakabasa nito kung anu ako..at kung anu yung totoong ako..

gusto ko din makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong may tanong at kailangan ng may mga kakausap...

..isipin man nila na "emo" ako..pero ito ang totoong ako....