juankaloymilan

live life to the fullest

Monday, February 22, 2010

mahirap

parating akong may tanong sa isip ko na naghahanap ng kasagutan...

ok ba akong maging kaibigan? sa tagal ng panahon ng aking pananatili dito sa mundo (sa loob ng dalawampu't anim na taon).. marami na akong nakilalang tao, nakasalamuha at mga naging kaibigan..

tama siguro yung salitang NAGING kaibigan... parte ng buhay.. hindi ko alam kung nasaan na ang karamihan sa kanila... masakit mang isipin may mga lumalayo at umaalis.. hindi mo sila pag-aari.. maaring mabigyan mo sila ng pabor pero minsan nararamdaman ko hanggang doon lang.. mahirap maghintay sa wala... gusto kong buksan ang aking isipan na ganun talaga ang buhay.. para sa akin dalawa lang ang uri ng tao, mga nangiiwan at mga naiiwan..

masakit man daw akong magsalita pero ako ito.. kung anung nakikta ko ay sinasabi ko... hindi ako natatakot na magsabi ng aking nakikita at nararamdaman dahil alam ko sa sarili ko na TAMA ako.. hindi ba?

mahirap labanan ang mga nasa aking kaisipan at kalooban.. pagnagsalita ako, minsan maraming nasasaktan.. may lumalayo at meron nagtitiis.. pero tinatanung ko sila kung anung ayaw nyo sakin?wala naman sumasagot.. nahihiya ba sila o sadyang takot lang magsalita...

ang gusto ko kasi ay sinasabi din sakin kung anung ayaw mo...

hindi kok ipagpipilitan ang aking sarili sa isang tao o bagay na hindi naman komportable na kasama ako...

para sakin hindi mo kailangan iplease lahat ng tao... bakit mo sila kailangan iplease..kung anu ka tanggapin ka dapat nila...


No comments:

Post a Comment